Friday, March 15, 2024

When In Doubt

At kahit naman sabihin na
Guni-guni ko lang yun
O imbento
Dahil ang totoo
Mahal mo rin ako

Di pa rin kapani-paniwala

Matay ko mang isipin
Hindi ganun ang pagmamahal
Yung kaya mong mawala
Yung taong andyan lagi sa'yo
Aba, hindi pagmamahal yan

Kundi pangangailangan

Na pag tapos na
O di kaya napagsawaan na
Ayawan na
Inabot lang ng matagal
Pero ang totoo
Walang panghihinayang
Walang permanente, sabi mo

Parang ako, parang 'tayo'.

3.15.2024
1737 hrs

Saturday, March 9, 2024

Bati Na Tayo

Palagi kong naiisip

Na wag na lang sana sa'yo

Maghanap at humingi

Ng mga bagay na hindi mo

Ibibigay di dahil

Hindi mo kaya kundi

Dahil hindi ako.


Hindi ako yung kailangan mo.


3/9/24

2233 hrs


Friday, January 19, 2024

20 Something Years and A Kiss

 I beg your pardon, it wasn't on the list.

Of anything gravely posssible

On this earth

On this lifetime


Absolutely not, by any means


This rare fortuity

This calculating admiration

This deemed connection


I apologize, I must've missed that

Like it was never heard
Like it was aimed at all
Like there could be more.

1.19.2024
2341 hrs.



Monday, January 15, 2024

Peluka

Pansin ko lang

Kung para sayo

Payag ako 

Maging tanga

O bola

O kahit anong maisipan

Ok na lang

Masaya ka naman

Ikaw yung mahalagang 

Mapagbigyan

Mapasaya

Masamahan

Ano ba naman yung

Di mo alam

Kelan ako nanghihingi

Kasi kulang

Nagpapapansin

Kasi wala lang.

Ano nga ba naman

Kung ako yung bumitaw

Pake mo ba

Di ba nga

Ok lang kamo

Meron o walang tayo

Kaya ayan

Manigas ako

Deserve ko 'to

Naduduwag kasi ako

Tuwing napapalapit sa'yo.


1.15.2024
1555 hrs

Friday, December 22, 2023

Same Ending

Di ko na alam ano ang mas tamang piliin Tama sa mali O saya bago pait. Pause muna sa lokohan Di na kita iiwasan Wala ng bulong ng kaba Masaya ka ba? Handa ka ba? Siguro, baka. Ayoko na manghula (Malay mo, sya nga) Malay natin, eto na.

12.22.2023
1307 hrs

Di Nga

Di na kita dapat pinipilit

Sinabi mo namang

Ayaw mo, paulit-ulit.


Di na dapat kita kinukulit

Alam ko namang

Di ka lang makatanggi.


Di na dapat kita pinipili

Sinubukan ko namang

Pigilan ang sarili.


Di na dapat kita sinisisi

Mabuti  din namang

Di ka sakin nagkunwari.


12.22.2023

1306 hrs 

Monday, December 18, 2023

Hard Peelings

Sa kakapiranggot mong

Binitawang mga salita

Unti-unti kong natututunan

Na usapang-laseng lang pala

At walang katotohanan

O dapat na asahan.

Nasambit lang dahil

Dala ng ginaw at ilaw

Ngunit walang laman,

Pinaghalong antok at pagod

Hanggang di na makasagot

At nang tapos na't nakaraos

Pati pagtangi'y naubos.

Ang kaibahan lang natin noon ay

Mas puyat ako't pagal

At yun na nga, sa tinagal-tagal

Ako lang ang totoong nagmahal.


12.18.2023

18:08 hrs